Gusto kong magsulat.
Ngayon. Ngayon mismo. Yung walang tigil. Walang humpay. Walang ieedit kundi ang spelling na eventually typo din naman later. Kung anong maisip, issulat ko.
Sabado.
Dapat may trabaho. Sa kabutihang palad, ipinasa ng isang katrabaho ang leave na dapat ay para sa kanya. Presto. Petiks mode.
Bukas pupunta ako ng Ilocos. Yes! Sa wakas makakapunta na rin ako Vigan! Sa wakas makakarating na ko sa mas malayo pa sa Sagada. Nakabudget na pera ko. Pero san ka naman nakakita ng budget na uber negative?! Hays…
Kanina, dahil petiks, naisipan kong tingnan nag facebook accounts ng mga nagging kaklase ko noong ako’y elementary pa. nakakatuwa. Mantakin mong may nasa Italy na akong kaklase. Hindi ko nga lang alam kung anong trabaho nila dun. Grabe. Ang daming may anak na.
nilike nila ang picture ko. Yung picture kong nakapose ako sa beach ng Galera wearing a bikini top and a boyleg shorts. Astig. Ang galing lang ng pagkakakuha dun. Hindi masyadong nahalata ang mga bilbil at pileges ko. Hindi halata ang mga pekas. Ang oiling mukha bumagay sa setting. Sakto. I like it. No, I love that pic. Teka…il post it here….. ayan. i love this pic!
madalas kong isipin kung ano na nga bang nangyayari sa buhay ko. No, hindi ito isa na namang pag-eemote. Nope. Naisip ko rin na hindi naman pala ako nag-eemote nung mga nakakaraan. Isama ko na ang mga nagdaang taon kung saan sinabi ko na “nag-emote ako”. Naisip ko, hindi naman pala talaga. It’s more on I am acknowledging the fact na may nararamdaman at iniisp ako. It’s part of dealing with something. Katulad ng kung paanong umiinom ako kapag nauuhaw. Umiidlip kapag inaantok. Kumakain kapag nagugutom. At kung ano ano pa.
anyway, uulitin ko, gusto kong magsulat. Walang restriction. Walang rule. Kahit ano lang. ikaw ang kakausapin ko!
so yun nga. Yung buhay ko. 28 y/o na 'ko. Mantakin mong dalawang dekada este magtatatlong dekada na akong buhay. Amazing. Minsan gusto kong ilista na yung mga nagawa ko. Kaya lang dahil sa tinatamad, hindi ko magawa. Gusto ko ring ilista yung mga bagay na gusto kong gawin. Ang totoo pala, nailista ko na sila sa 100 things to accomplish ko this year. Hindi ko lng alam kung yun na yun lahat kasi lately gusto ko ring magpatattoo.wala pa yun sa listahan ko.
Hays. Yung 100 things to accomplish ko..ang dami ko nang namimiss. Hindi ko natutupad.
Nakatingin sa akin si Asimo ngayon.. alkansya ko. Naniningil. Hays. Kasama siya sa 100 things… dapat pakakainin ko sya araw2..kaso sa sobrang kahirapan lately hindi ko magawa..im so sory dear Asimo…
At automatic nga palang nakalog on ako sa YM kapag nakaonline ako..ayun may nagpop-up:
Millions4u@ymail.com: hello.
How r u Dear?
Hindi ko na matandaan kung sino sya. Oo. Aminado. Sa sobrang wala akong kausap nagwa-YM pa rin ako. Nothing serious. Sapat lang. pampalipas oras. Pati nga si SimSimi kinakausap ko eh. Sa YM nung isang araw, may natupad akong nasa 100 things ko. Heheheheh….
Naisip ko lang, normal pa ba na at age 28 nagchachat pa rin ako? Well, siguro… kung wala naman kasi tlgng magawa. Walang tv. May books pero…tinatamad akong magbasa. Ang huli kong nabasang libro ay ang A Bend in the Road ni Nicholas Sparks. At sa ebook yun ha. Salamat sa malaking screen ng fone ko. Natiyaga ko syang basahin. Nagbabasa ako kapag nasa bus, break at kung gantong walang ginagawa. Ewan ko ba. Sobrang init ngayon na kahit anong gawin ko eh tinatamad ako. May ilan din akong mga librong nakapilang mabasa. Yun ngang Si Amapola sa 65 na Kabanata na Feb ko pa ata binili eh hindi ko pa rin nabubuklat ang unang pahina. Tapos bumili pa ko ng isa pang libro. Ang title nya, teka nakalimutan ko, kukunin ko, “Kung Makakain lang ang Bawat Pahina ng Libro”. Akala ko kasi seryoso ang tema. Tungkol sa educational system (ako na ang may nanalaytay na dugo pa rin ng isang guro). Kaso nung binabasa ko na sya, hindi ako nagandahan. Tungkol sya sa personal na buhay ng awtor na hindi ko matandaan ang pangalan. Well, lagi naman akong walang natatatandaan. Eto ang magandang halimbawa kung paanong napakadali kong makalimot.
Bumili pa ako ng isang libro. Ang title nya, “Sa Mga Kuko Ng Liwanag” ni Edgardo Reyes (take note akala ko si Bienvenido Santos ang awtor nito pero kinuha ko yung libro para i-double check at ayun nga, si Edgardo Reyes pala). Bakit ko sya binili? Kasi natatandaan ko noon, isang araw sa Holy Week, yung tipong mga lumang pelikula yung pinalalabas kasabay ng mga Ten Commandments, Genesis, Noah of Arc etc… nakapanood ako ng pelikulang ang titulo ay “Maynila sa Kuko ng Liwanag”. Gandang ganda ako sa pelikulang ito. Basta gandang ganda ako sa kanya. Hindi ko na matandaan ang storya pero natatandaan ko na sinabi ko sa sarili ko na isa na sya sa mga paborito kong pelikula mula noon pagkatapos ko syang mapanood. Sina Hilda Coronel at Bembol Roco pa ang bida. Basta tungkol sa kahirapan ang tema ata tapos natatandaan ko yung huling eksena na si Bembol ay hinahabol ng ewan kung pulis, basta may humahabol sa kanya tapos nacorner sya . Pader na yung huling natakbuhan nya. Basta sad yung movie. Hindi ko lang alam talaga yung storya na kasi nakalimutan na pero tanda ko kung pano ko na-appreciate yung movie. Ganun. Ganun ako makakalimutin. Paborito ko na nakakalimutan ko pa. so eto yung librong pinagbasehan ng pelikula.
Nung isang araw lang, bumili ko ng makakain sa Mercury Drugs. Mejo nagtagal yung kahera sa pagpprocess ng bayad ko kasi credit card. Ang nagyari, pagkatapos kong mabayaran, kinuha ko yung card ko. Nilagay sa wallet at umalis na ako ng Mercury Drugs. Mayamaya, sumisigaw na si ate na naiwan ko daw yung pinamili ko. Di ba? Hindi ko alam kung tanga lang o kung mali mali lang. eto pa. may binili ako nung isang linggo na buko pie sa loob ng bus. Bumaba kami ng SM Calamba. May gusto akong bilhin na sandals na Tribu kaya dumaan akon ng Sports Warehouse. Humiwalay yung mga kasama ko kc hihintayin na lang daw nila ako sa labas. Chikahan sila ng kanila. So pasok ako sa Sports Warehouse dala ko si buko pie. Bili ng sandals. Swiped. Then balik sa mga kasama. Pagkakita nila sa akin, topic nila sa usapan ang buko pie. Nasaan na daw ang buko pie na hawak ko. Ayun naiwan ko sa Sports Warehouse. Di ba? Tapos ilang beses na akong nawalan ng celfone sa loob ng 2 taon. Apat na beses na.
Ewan ko ba. Feeling ko may pagkamali mali at pagkatanga rin kasi ako siguro kaya ganun. Tapos when it comes to books, siguro kailangan kong basahin ng dalawang beses yung libro para matandaan ko. Hays.buti pa si Cel, may photographic memory. Kaya nga ako, going back to celfone, may isang kaopisina na kapag nakikita ako, ang una nyang ginagawa ay kamustahin ang bago kong fone kung nasa akin pa ba ito. ganun ako ka-notorious mwalan ng fone.
Kawawa naman tong electric fan na ‘to walang humpay. Sa sobrang init kasi tinalo pa nya ang overtime sa trabaho. Hays.
Nakatamad. nakakatamad kumilos sa ganto kainit na panahon.
Alam mo bang dapat maglalaba ko kaso tinamad ako? Bukod kasi sa mainit eh sinakop na ng kapitbahay ko ang sampayan. Ayan tinatamad na akong magsulat...hehehehe...
At bigla kong naalala si TJ Medina.
Tinitingnan tingnan ko rin yung facebook nya. Sya yung college classmate ko na editor-in chief-dati ng school paper namin na winner ng Palanca Award at 27. whew. grabe the description, di ba?! Crush ko sya nun kaso hindi nmn ako kagandahan kaya wa pansin. Napansin ko lang na.. na he’s ageing well. :) Bagay sa kanya yung looks nya. Bagay ang matured look sa mokong. Kasi dati totoy na totoy sya eh. Naalala ko kung pano sya magsayaw kapag may event sa skul. Ang tigas ng katawan nya. Tapos pinagcycling shorts sila.hahah! felix bakat si kuya pero kebs sya. Naalala ko rin kung paano nya ko binigyan ng assignment nun. feature editor ako. so under nya ko nung college. ewan ko ba kung bakit ako naging feature editor nun. Anyway, una gumawa daw ako ng feature article abt the hat industry ng Platero. Hindi ko ginawa. No excuses. Basta hindi ko lng ginawa. Pero gumawa ako ng short story para sa portfolio ng school naming nun so bumawi ako. I felt honored kasi parang last article pa ata yung sa akin na nalathala sa portfolio ng school namin. i forgot the title of what i had written, pati title ng portfolio namin nakalimutan ko na. Basta natuwa ako kc sa last pages nakasulat yung akin. Parang saving the best for last, di ba?hehehehe... Pagkatapos binigyan nya ko ng isa na namang assignment. Magsulat daw ako about Harry Potter focusing on how other critics are viewing it as witchcraft at that time. Again, without any excuses, hindi ko ginawa. hindi pa ako fan ng HP nun. Unti unti, hindi na ko tumatambay sa headquarter ng Michaelean Herald. Unti unti, parang bigla akong lumayo sa kanila. Sa kanya. Sa kanila kasi may gang din kasi sya. Classmates rin nman namin kaso hindi ko lang siguro trip yung trip nila. They do stay sa school maghapon. I would want to kaso parang hindi ako makaramdam na I belong. Tapos super close ni TJ yung favorite kong English instructor. Si Ms. Ness Cuevas. Sobrang favorite ko sya. Ang galling nyang magturo, and when I say magaling, magaling talaga. Hands down. Isa sya sa mga advisers ng Michaelean Herald at that time. Ewan. Sa sobrang galing nya naiintimidate na ko sa kanya kapag wala na kami sa classroom. Eh close sya kay Tj so ayun. Lumayo ako. Ganun ata talaga eh. Kapag may gusto ka, either alin lng yan sa both ends eh. Either abutin mo sya o lumayo ka sa kanya. I really admit na gusting gusto ko sya nun.
Then nagtransfer ako ng school. Gusto ng gang nya na wag kaming lumipat. Sayang daw. Kasi bago pa lng yung lilipatan eh yung school nmin that time, established na. in fact unti unti na syang nagkakapangalan. But then, wala akong choice na alam nun kundi magpadala sa agos. So we parted. Para namang may understanding kami eh, no? I never heard from him sa loob ng mahabang panahon. Until recently nga kaka-stalk ko I learned abt his achievement. He’s doing well in his career. A great teacher and a budding writer. Abt his lovelife, ang alam ko inirereto sya ni Miss Ness sa kapwa nya teacher. I know the girl. Maganda sya. Ahead lang sa amin g isang taon yun.
Si Tj. Wala lang. naaalala ko lng. Tapos some two years ago nakachikahan ko yung ka-gang nya sa Michaelean Herald. She made chika, made chika talaga?!She made chika na Tj really had a ..i don’t remember kung crush o deeper than that, sa bestfriend ko nung college. si Noelyn. Andun si Noe nung nagkkwento sya. Tawa lang sya nang tawa. Pero I have to admit at ang ipinagtataka ko, nasaktan ako nun.yup I have to use the word nasaktan. Weird, di ba? Bakit ganung level? Tapos ayun. Parang may relasyon na nga daw sina Tj at yung nirereto sa kanya pero one-sided lang. si girl lang daw ang may gusto. Alam mo, when I learned the news that he won a Palanca, sobrang saya ko para sa kanya. I mean, college pa lang kasi alam kong may ibubuga na sya. Suffice it to say na hindi na ko nagtaka pero yung malaman mo talaga na everyone was greeting him na, sobrang saya talaga. Lalo na siguro on his part. Just imagine a Palanca on your belt at 27!!!. I forgot the title pero second place sya sa kategoryang dulang pampelikula. Galing di ba? Simula nun, binibisita ko na ang website ng Palanca Awards. Until Makita ko na nga na andun yung pangalan nya. I was so elated. Hindi ako nakatiis. Minessage ko sya sa fb. I congratulated him. blah blah blah then hirit, biro na half meant, sabi ko pabasa nmn ng sinulat nya. Ayun, sa awa ng Diyos wala naman syang nagging reply. Sad. Ouch. Well, I guess ganun talaga. Eto. Katatapos ko lang bisitahin uli ang website. Huling Isang Taon ang title ng dula nya. Wala pa ring link para mabasa yun as of now. Gusto ko syang mabasa…
(type... type..search ...search... search sa google…)
at tinamad na kong magsulat.. iki-click ko na yung publish post button .. ayan.
No comments:
Post a Comment