Isang hapon matapos kong maglinis sa malagubat kong kwarto, marahil na rin siguro sa pagod, natulala na lang ako. Nakatingin sa "shala notebook" ko matapos sulatan ng mga nagastos nung mga nakaraang araw. Sa halos blangkong pahina, nagkaroon ng sariling buhay ang aking kamay. Pinulot ang noo'y nahihimbing ng Mongol ballpen (oo, may ballpen na ang Mongol na brand, hindi lang siya lapis) at kusang nagsulat ng sampung tanong na ibinato ko sa aking sarili. Sa pagtipa ko ngayon sa keyboard ng mumunti kong laptop, sasagutin ko ang bawat tanong... narito ang mga tanong na nakasulat sa aking notebook...
1. T: 'Pag nagka-amnesia ba ako, magugustuhan ko ba ang present situation ko?
S: Malamang hindi. Buong inosente kong sasabihin siguro na, "Weh? Hindi nga? 29 years old na 'ko
tapos wala pa ako asawa? Seryoso?" o kaya, " Ows? di nga?"
2. T: Naging mabuting anak ba ako?
S: Hindi.
3. T: Kung sinunod ko lang ba ang norm ng Marinig after high school, magsusulat ba ko sa notebook na
'to ngayon?
S: Malamang hindi rin. Malamang walang ganitong notebook at malamang walang blog. Malamang
din maartehan ako sa konsepto ng blog.
4. T: I-rate ang sariling kagandahan. 10 as the highest.
S: Jeez! Dahil honest talaga akong sumagot, 'eto ------ 6.5-----------
5. T: Magpapasko na. Ano ba talagang wish ko?
S: May nagtanong nito sa akin kanina na isang kaibigan. Sabi ko sa kanya, biglaang sagot din yun
actually, sabi ko, sana maging iba naman yung dahilan ng ultimate happiness ko.
6. T: Anong xmas wish gift ko?
S: Yung katulad na singsing ni Celine!! (Character na babae sa favorite kong movie na Before
Sunrise)
7. T: Kung may gusto kang baguhin physically, ano yun? Isa lang huh.
S: Yung shape ng legs ko. Maskulado kasi eh. hindi ako makapag-skirt.
8. T: Anong ultimate question ko kay Lord?
S: Lord, bakit wala pa po hanggang ngayon? Saka pede pang dagdagan yung question? Bakit ba
talaga? Darating pa ba? Bakit hindi po ako normal? Bakit effortless sa iba? Kulang pa ba talaga?
Masama po ba kung minsang magkumpara ako sa ibang tao? Kung masamang mainggit, bakit nyo
po hinayaan ang taong makaramdam ng ganitong pakiramdam? Masama ba 'tong ginagawa ko na
kwestiyunin ka? Masama ba akong tao? Wala akong sinusunod na alituntunin sa buhay kundi ang
maging totoo sa sarili at mabuhay nang walang tinatapakan. Ang una po ba'y nagiging isang
kahinaan ko pa?
9. T: Once and for all, matatapos na ang taon, ano ba talagang makakapagpasaya sa akin?
S: Tawagin ko na lang siya sa salitang "katapat".
10. T: Message ko sa sarili ko:
S: Huy, matatapos na 2012. Tiningnan mo kanina checklist mo, wala ka pa sa kalahati. What does it
say about you then? Na you're a loser since walang check lahat? Did you even try to do all of
them? O tulad ng dati, puro ka lng satsat? Ang hirap sa 'yo, ang dami mong drama pero wala ka
namang aksyon. Masakit di ba? Masakit isipin na alam mo yung gusto mo pero hindi mo
magawa. Gawin nating halimbawa yung nangyari recently lang. Item# 25. Andun ka na't lahat,
ano pang nangyari? Kumbaga sa kasabihan, isusubo mo na lng, nawala pa sa bibig mo? Bakit?
Bakit? Shet.
Oo. Aminado naman ako ah! Andun na ko, lulunukin ko na lang bakit isinuka ko pa?
Gusto mong malaman kung bakit? Kasi mismong sarili ko yung hindi sumunod! Lahat ng
gusto kong mangyari, narealize ko na hindi magmamaterialize kung hindi sasang-ayunan
kung anu mang letseng nasa loob ng utak o letseng puso na 'to! Napakadaling sabihin na
gusto ko nito, ng ganyan... pero pag nasa sitwasyon ka na, may kung anong pwersang
humihila. I was so sure of myself when I was inside that room. God knows I was ready. But
I guess I was doomed! Goodness may mga dapat pa rin pa lang kailangang ikonsidera in
the long run! Now am I rationalizing my failure to put a check on item # 25?! Yeah right I
guess I am!
Well I really think you are!!!!! So what now? Another list for 2013?
I don't know. You tell me.
You know what, I don't want to call you a loser because that makes me a loser as well. In
fact right now, upon writing this, I honestly think I am. Or you are. Whatever. Suddenly
we're having this conversation. I don't think this would help you. Pero I remember you
before wanting to be alone somewhere. To be alone and don't think of anyone or anything.
No celfone. No internet. No books. No torrents. No family. Even no friends. Perhaps then you
might come up with a solid plan of what you really want. Honestly, I think that's what you
need. A plan. You don't have a plan at all sa buhay mo na 'to. Remember when you were at
the Mind Museum sa The Fort? After watching the show about the evolution of the earth?
About how life on earth was developed? About how many billions of years it took to be here
right now? Ang ganda ng effect sa 'yo nun. What you watched was all about science pero ang
ganda ng implication sa'yo: Na ang span ng buhay ng tao sa mundong ibabaw ngayon ay hindi
man lamang maihahantulad sa isang tuldok kung anong meron na ang kasaysayan. Lahat ng
ginagawa natin ngayon, lilipas rin 'to after millions of years. Hindi na tayo uulit. Unless totoo
ang reincarnation. So why not enjoy life? Stop asking questions. Do something that will make
you happy and make it happen. Kasi after all, isang chance lang meron ka. Unless uli, sa
reincarnation. I should stop at this. Im thinking of soul right now na might lead to something
else. Anyways, the point is, you only have one life to spare. Spare it wonderfully. Sana lang
hindi ka mamatay agad para magkaron ka pa ng mahabang panahon para maisakatuparan
ang mga bagay na makapagpapasaya sa'yo. Hehehhehe...
Sa pagkakaalam ko hate na hate ko ang mga self-help books.Why do you/I sound like one?
But hell you are damn right. I remember the impact thought of that Mind Museum show. But
then again, ang dali nga kasing magsalita. Ewan ha. Call me pessimistic, pero ganun nga lang
talaga siguro. Para lang akong ungas sa pagsusulat nito. kinakausap ko ang sarili ko! Teka?
ikaw ba ano bang message mo sa sarili mo? (At tinanong ko tlg ang sarili ko... sarili ko...tapos
ibang level ng sarili tinanong..parang pelikulang Inception..pumasok sila sa panaginip tapos
from that panaginip, nanaginip uli ng panibagp so ibang level na ng panaginip, mas malalim,
kaya nakakalito syang panoorin!)
Hehehe. Ok lang yan. Wala namang rules dito eh. And since you asked, amg message ko sa'yo
aking sarili ay ganito: Walang iwanan.